FDA, mas paiigtingin pa ang kampanya vs. counterfeit medicine sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa pagbili ng de kalidad na gamot, mas pinaigting pa ng Food and Drug Administration (FDA) ang “Oplan Katharos” sa pagsugpo sa mga pumapasok na counterfeit medicine sa bansa.

Ayon kay FDA Director General Dr. Samuel Zacate, nakikipagtulungan na sila sa iba pang mga national government agencies tulad ng Bureau of Costoms (BOC), Philippine National Police (PNP), at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa kampanya kontra pekeng gamot.

Dagdag pa ni Zacate na sa kanilang pakikipag-partnership, ay mas lalakas pa ang kampanya ng FDA upang masupil ang pamemeke ng gamot at mabili ito sa murang halaga. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us