Filing ng application para sa Civil Service Exam, pinadali na ng CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatanggap na ng application ang Civil Service Commission-National Capital Region (CSC-NCR) sa ilang SM Mall sa Metro Manila para sa March 3, 2024 Civil Service Examinations Pen and Paper Test.

Ayon sa Civil Service Commission, ang pagsusulit ay gagawin para sa professional at subprofessional levels.

Itinakda ang filing ng application para sa CSC Exams sa Nobyembre 20, 2023 hanggang Enero 3, 2024.

Maaaring magsumite ng kanilang application ang mga aplikante sa SM North Edsa sa Quezon City, SM Megamall sa Mandaluyong City, at SM Mall of Asia sa Pasay City.

Bukas ang mga mall mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon lamang.

Ang pagtanggap ng aplikasyon ay “first come, first served basis” at ititigil anytime bago ang deadline kapag naabot na ang bilang ng mga participant.

Paglilinaw pa ng Civil Service, na walang aplikasyon ang tatanggapin sa CSC NCR Regional Office at sa field offices.

Maaari na ring mag-download ng application form at listahan ng mga kinakailangang requirements gamit ang QR Code. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us