Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang pinal na bersyon ng implementing rules and regulations para sa pamamahala ng Maharlika Investment Corporation.
Ayon sa lider ng Kamara ang IRR na ito ang po-protekta at gagarantiya na malayo sa impluwensya ng pulitika ng pondo.
“This move is a significant step towards enhancing corporate governance and ensuring that the MIF is managed with the utmost transparency and accountability,” sabi ni Romualdez.
Naniniwala rin ang House Speaker na ang pagbibigay autonomy o independence sa MIC board ay mag reresulta sa isang mas objective at epektibong pagdedesisyon at malayo sa anomang impluwensya ng politika.
“The final IRR, as introduced by the President, clarify the Board’s discretionary powers while ensuring adherence to the law and alignment with the nation’s socioeconomic development program,” sabi pa nito.
Malaking bagay aniya ang naging atas ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na isailalim sa review ang IRR ng MIF bilang pag-protekta sa ‘national asset’
Kumpiyansa ang Speaker na sa pag-usad na ito ay mas mararamdaman ng ordinaryong Pilipino ang matatag na ekonomiya na magreresulta sa mas maraming trabaho, mas maayos na serbisyo publiko at mas maginhawang pamumuhay.
“The MIF, if managed independently and efficiently, can significantly contribute to the nation’s socioeconomic development, aligning with the government’s broader goals. This strategic move by the President is a testament to his vision of a more prosperous and self-reliant Philippines, one where every Filipino stands to benefit from the nation’s economic successes,” dagdag niya.
Positibo naman si Speaker Romualdez na matatapos ni Pang. Marcos ang operationalization ng MIF bago matapos ang taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes