Fireman na sangkot sa recruitment-for-fee scam, inaresto ng pulisya – DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga applicant ng Bureau of Fire Protection (BFP) na dumaan sa tamang proseso ng recruitment.

Partikular na tinukoy ni Abalos ang pag-iwas sa pakikitungo sa mga manloloko na nangangako ng non-existent jobs kapalit ng kabayaran.

Naglabas ng warning ang kalihim kasunod ng pagkaaresto kay Fire Officer 3 Jesson Albios Casanes, sa isinagawang entrapment operation sa Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Si Casanes ay isang firefighter ng BFP na nakatalaga sa Isabela City, at hinuli siya habang tinatanggap ang P400,000 cash mula sa aplikante na nag-aaplay ng trabaho sa BFP.

Ilan pang fire officer ng BFP ang nauna nang inaresto dahil din sa katiwalian sa proseso ng recruitment at promotion kabilang si Fire Officer 1 Ramces Paul Benipayo, na nakatalaga sa Muntinlupa Fire Station at Fire Officer 1 Karla Rodriguez, mula sa BFP Guiuan Fire Station sa Eastern Samar.

Sabi pa ni Abalos, ang sunod -sunod na pagkaaresto sa mga tiwaling bumbero ay malakas na mensahe sa publiko na hindi kinukunsinte ng DILG ang ganitong uri ng iligal na gawain. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us