Gale warning, nakataas sa Catanduanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakataas ang gale warning o babala ng pagtaas ng alon sa Northern at Eastern Coasts ng lalawigan ng Catanduanes.

Batay sa inilabas na gale warning #17 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong umaga, Nobyembre 20, ang paglaki ng alon ay sanhi ng malakas na gale force winds na pag-iibayuhin ng umiiral na Northeast Monsoon o hanging Amihan.

Inaasahan ang pagtaas ng alon na aabot sa 2.8 hanggang 4.5 meters at papalo ang lakas ng hangin sa 45-63 kilometers per hour.

Inabisuhan munang huwag pumalaot ang mga bangkang pangisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat at maging alerto sa matataas na alon ang mga papalaot na malalaking barko 

Samantala, una namang naglabas ng abiso kagabi ang pamahalaang panlalawigan ng catanduanes para sa lahat ng LGUs kaugnay ng localized suspension ng klase at trabaho sakaling kailanganin bunsod ng masamang panahon. | ulat ni Juriz Dela Rosa | RP1 Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us