Mainit ang naging pagtanggap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng mga Pinoy na nagtipon-tipon sa San Francisco Conference Center para sa filcom event.
Hindi magkamayaw ang mga Pilipinong nagsama-sama sa pagsalubong sa Punong Ehekutibo na mula pa sa iba’t ibang lugar ng Amerika na sinadya ang San Francisco para makadaupang palad ang Pangulo.
Sa kanyang panig ay ibinida naman ng Punong Ehekutibo ang mga Pilipinong bahagi na ng iba’t ibang economic sector ng Estados Unidos gaya ng media maging ng US politics.
Binanggit dito ng Pangulo si Fil-Am Mayor Flor Nicolas ng South San Francisco na kasama rin ng may 1,000 mga Pinoy sa Filcom event.
Mayroon din, sabi ng Pangulo na Filipino American elected-officials sa Alaska sa Washington State habang mayroon ding Fil-Ams na may hawak na magandang posisyon sa US government.
Ilan aniya dito sina Utah Attorney General Sean Reyes at California Attorney General Rob Bonta. | ulat ni Alvin Baltazar