Gasolinahan sa Visayas Ave., QC, pansamantalang isinara dahil sa hinihinalang gas leak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinordonan na ngayon ng Bureau of Fire Protection ang Power Fill gas station sa kanto ng Lands St, Visayas Avenue sa Brgy. Vasra dahil sa inireklamong maamoy na gas.

Ayon sa pamunuan ng gasolinahan, agad nitong itinawag sa BFP ang sitwasyon matapos makatanggap ng reklamo sa mga nakatira malapit sa Power Fill.

Mabilis namang tumugon ang BFP at agad nag-deploy sa area. Ipinatigil din agad ang operasyon ng gasolinahan habang iniimbestigahan ang hinihinalang gas leak.

Inirekomenda na ng BFP na higupin ang laman ng underground fuel tank at magsagawa ng leak test sa gasolinahan.

Dahil naman dito, bahagyang may pagsikip sa daloy ng mga sasakyan na papasok ng Visayas Ave., mula sa Elliptical Road dahil isinara rin maging ang kalsada sa tapat ng gasolinahan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us