Gastos ng House Speaker sa mga biyahe nito nasa P4-M lang ayon sa records ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinama ni House Secretary General Reginald Velasco ang kabuuang halaga ng gastos ni House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang mga biyahe.

Ito ay kasunod na rin ng pahayag sa isa sa mga programa ng SMNI na umabot ng P1.8 billion ang travel expenses.

Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises, sinabi ni Velasco na mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon P4, 347,712.58 lang ang gastos ng Office of the Speaker sa kaniyang mga biyahe.

Habang P35,257,411.1 naman ang gastos ng House Secretariat at iba pang miyembro ng Kamara sa kanilang official travels.

Kaya naman sa kabuuan ay nasa P39,605,123.61 lang ang travel expenses ng House Speaker, House Secretariat at House members sa kanilang official trip. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us