Masayang tinanggap ng 600 benepisyaryo ang mga regalo mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos sa isinagawang Nationwide gift-giving program na pinamagatang “BALIK SIGLA BIGAY SAYA” kahapon sa gym ng University of Mindanao sa Davao City.
Ayon kay Dorothy Reyes ng Office of the Special Assistant to the President, aabot sa dalawang libo ang nabigyan ng regalo on-site at off-site sa rehiyon onse.
Aniya, nais ni Pangulong Marcos na mabigyan ng maagang pamasko ang mga batang nasa orphanage centers gayundin yaong mga nasa community centers.
Ang tagumpay ng nasabing programa na ginanap sa buong bansa ay resulta ng kolektibong pagkakaisa na maging masaya ang mga bata sa kapaskuhan.
Maliban sa centers na pinapangasiwaan ng Dept of Social Welfare and Development o DSWD, may 13 foundation naman ang kabilang sa nabiyayaan ng pamaskong handog ni PBBM at ng Fist Lady, kabilang na yaong mga nasa satellite centers.
Bakas naman sa mukha ng mga bata ang saya at kasabikan ng matanggap ang kani-kanilang regalo, at tanging nasambit na lamang at ang salitang pasasalamat. | ulat ni Dang Jumala | RP1 Davao