Backlog sa pamamahagi ng pensyon sa mga indigent senior citizen, pinareresolba ni Senador Angara sa DSWD

Pinareresolba ni Senate Committee on Finance chairman Sonny Angara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga isyu na nagiging dahilan ng delay sa pamamahagi ng social pensyon para sa mga mahihirap na senior citizen. Ayon kay Angara, nakakabahala ang binanggit ng DSWD na mayroong 466,000 na backlog sa pagbibigay ng social pension.… Continue reading Backlog sa pamamahagi ng pensyon sa mga indigent senior citizen, pinareresolba ni Senador Angara sa DSWD

Dagdag na TESDA assessors, pinaglaanan ng pondo ng Senado sa panukalang 2024 budget

Naglaan ang Senate Committee on Finance ng higit P50 million sa pondo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa accreditation ng mahigit 11,000 na dagdag assessors ayon kay Senador Sherwin Gatchalian. Tinanggap ng Senate Committee on Finance ang panukalang ito na layong suportahan ang pagpapatupad ng libreng assessment at certification ng 420,967… Continue reading Dagdag na TESDA assessors, pinaglaanan ng pondo ng Senado sa panukalang 2024 budget

Sen. Imee Marcos, nanawagan ng pangmatagalang istratehiya para sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga tripulanteng Pinoy

Hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na magkaroon ng long term strategy para i-negotiate ang kalayaan ng mga binihag na Pinoy seafarers. Ito ay sa gitna aniya ng lumala at lumalawak na Israeli-Palestinian conflict sa labas ng Gaza Strip. Binigyang diin ni Sen. Marcos… Continue reading Sen. Imee Marcos, nanawagan ng pangmatagalang istratehiya para sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga tripulanteng Pinoy

Sen. Bong Go, iginiit na dapat pang paigtingin ang mga programa kontra kahirapan para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawaran ng amnestiya ang mga dating rebelde. Matatandaang sa ilalim ng Executive Order No. 47 na ibinaba ng Malakanyang ay nilikha ang National Amnesty Commission at nakasaad dito na saklaw ng amnestiya ang mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDF… Continue reading Sen. Bong Go, iginiit na dapat pang paigtingin ang mga programa kontra kahirapan para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa

Mahigit 3,000 hot meals, naipamahagi ng PRC sa mga nasalanta ng pagbaha sa Luzon at Visayas

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilya sa ilang lugar sa Luzon at Visayas na apektado ng low pressure area at shearline na nagdulot ng matinding pagbaha. Ayon sa PRC, mahigit 3,000 hot meals na ang napamahagi nito sa Northern Samar. Nagbigay din ng psychosocial support sa 100 adults… Continue reading Mahigit 3,000 hot meals, naipamahagi ng PRC sa mga nasalanta ng pagbaha sa Luzon at Visayas

Vice President Sara Duterte, dumalo sa 16th Belenismo sa Tarlac City

Dumalo si Vice President Sara Duterte sa 16th Belenismo sa Tarlac City bilang panauhing pandangal sa naturang aktibidad. Ang Belenismo ay isang sining ng paglikha ng magagandang Belen. Tinatayang 53 mga kalahok ang mga sumali sa patimpalak na ito mula sa iba’t ibang sektor at grupo gaya ng lokal na pamahalaan, simbahan, komunidad, at mga… Continue reading Vice President Sara Duterte, dumalo sa 16th Belenismo sa Tarlac City

Pondo para sa wage increase ng gov’t employees, hiniling na taasan sa ilalim ng 2024 national budget

Nanawagan sa mga Senador ang ibat ibang grupo ng government employees na maglaan ng sapat na badyet sa 2024 para sa pagtaas ng suweldo at iba pang mga pangangailangan. Ito ang ipinahayag ng All Philippines Public Service Union sa harap ng gagawin na period of amendments ng Senado bukas, para sa panukalang P5.7 trillion na… Continue reading Pondo para sa wage increase ng gov’t employees, hiniling na taasan sa ilalim ng 2024 national budget

DMW, kinumpirma na may 2 Pilipinong tripulante sa barkong MV Central Park na tinangkang i-hijack sa Gulf of Aden

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na may dalawang tripulante sa chemical tanker na MV Central Park na tinangkang i-hijack sa Gulf of Aden nitong Linggo. Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na napigilan ng US Naval Institute ang tangkang pangha-hijack at ligtas na rin ang naturang barko at ang dalawang Pilipino. Ayon sa… Continue reading DMW, kinumpirma na may 2 Pilipinong tripulante sa barkong MV Central Park na tinangkang i-hijack sa Gulf of Aden

Mga inmate sa Iwahig Prison, magbebenepisyo na sa pananim na proyekto ng DA at DOJ

Maha-harvest na sa buwan ng Disyembre ang mga pananim ng persons deprived of liberty (PDlLs) sa pilot technology demonstration farms sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan. Ayon sa Department of Agriculture (DA) inaasahang makapag-aani ng 96.8 metric tons ng palay at high value crops, sa 4.5 ektaryrang lupain na kikita ng P7.3… Continue reading Mga inmate sa Iwahig Prison, magbebenepisyo na sa pananim na proyekto ng DA at DOJ

QC Mayor Belmonte, nag-sorry sa mga motorista dahil sa idinulot na abala sa daloy ng trapiko sa kanyang dinaanan

Nag-sorry si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasunod ng nagawang abala sa mga motorista sa pagpapatigil ng daloy trapiko sa Katipunan at Aurora Boulevard nang mapadaan ang kanilang convoy. Galing sa ribbon cutting sa nagbukas na coffee shop ang alkalde bago binaybay ang Katipunan Avenue, pero lingid sa kanilang kaalaman ay pinahinto ng mga MMDA… Continue reading QC Mayor Belmonte, nag-sorry sa mga motorista dahil sa idinulot na abala sa daloy ng trapiko sa kanyang dinaanan