Legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget, maaaring iakyat sa Korte Suprema

Mas maiging iakyat na sa Korte Suprema ang kuwestyon hinggil sa legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget. Ito ang sinabi ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, matapos maging epektibo ang P5.768 trillion 2024 budget nitong January 1 kung saan kasama ang nasa P449.5 billion na unprogrammed fund. Ang halaga umano… Continue reading Legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget, maaaring iakyat sa Korte Suprema

SP Zubiri, ibinida ang pagiging balanse ng 2024 national budget

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagkakapirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 2024 national budget. Ayon kay Zubiri, napapanahon ang pagkakapirma nito kasabay ng pagpasok ng bagong taon. Binida ng Senate President na nakabuo ang kongreso ng sa tingin niya ay ‘best budget’ sa nakalipas na mga taon. Nilarawan ng senador… Continue reading SP Zubiri, ibinida ang pagiging balanse ng 2024 national budget

Backlog sa pamamahagi ng pensyon sa mga indigent senior citizen, pinareresolba ni Senador Angara sa DSWD

Pinareresolba ni Senate Committee on Finance chairman Sonny Angara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga isyu na nagiging dahilan ng delay sa pamamahagi ng social pensyon para sa mga mahihirap na senior citizen. Ayon kay Angara, nakakabahala ang binanggit ng DSWD na mayroong 466,000 na backlog sa pagbibigay ng social pension.… Continue reading Backlog sa pamamahagi ng pensyon sa mga indigent senior citizen, pinareresolba ni Senador Angara sa DSWD

Dagdag na TESDA assessors, pinaglaanan ng pondo ng Senado sa panukalang 2024 budget

Naglaan ang Senate Committee on Finance ng higit P50 million sa pondo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa accreditation ng mahigit 11,000 na dagdag assessors ayon kay Senador Sherwin Gatchalian. Tinanggap ng Senate Committee on Finance ang panukalang ito na layong suportahan ang pagpapatupad ng libreng assessment at certification ng 420,967… Continue reading Dagdag na TESDA assessors, pinaglaanan ng pondo ng Senado sa panukalang 2024 budget

Panukalang 2024 National Budget, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Prinesenta na ni Senate Committee on Finance chairman Senador Sonny Angara sa plenaryo ng Senado ang panukalang P5.768 trillion na panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon. Ayon kay Angara, ang halagang ito ay katumbas ng 20 percent ng kabuuang ekonomiya o gross domestic product (GDP) ng ating bansa. Mas malaki rin ito ng… Continue reading Panukalang 2024 National Budget, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Panukalang P5.768 Trillion 2024 budget, pasado na sa Kamara

Sa botong 296 pabor, at 3 na pagtutol ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8980 o ang panukalang P5.768 Trillion 2024 General Appropriations Bill. Mula August 2 nang isumite ang 2024 National Expenditure program pitong linggo ang ginugol ng Kamara para talakayin at himayin ang panukalang pambansang pondo… Continue reading Panukalang P5.768 Trillion 2024 budget, pasado na sa Kamara

Kamara, target ipasa ang 2024 budget bago ang session break sa katapusan ng buwan

Desidido ang Kamara na ipasa ang P5.768 trillion 2024 budget bago ang nakatakdang break ng Kongreso sa September 29. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, para matiyak ang on time na pagpapatibay sa panukalang pambansang budget ay maagang magsisimula ang plenary deliberations na mag-uumpisa sa September 19, Martes alas-9 ng umaga. Maliban dito, magkakaroon din… Continue reading Kamara, target ipasa ang 2024 budget bago ang session break sa katapusan ng buwan

Rebyu sa paggamit ng CIF, target matapos ng Congressional Oversight Committee bago makaabot sa Senate Plenary ang panukalang 2024 National Budget

Nagpulong sa isang executive session ngayong araw ang mga senador na miyembro ng Congressional Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds (CIF). Pinamumunuan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kumite habang miyembro naman sina Senate Majority leader Joel Villanueva, Committee on Finance chairman Sonny Angara, Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Senate Minority leader… Continue reading Rebyu sa paggamit ng CIF, target matapos ng Congressional Oversight Committee bago makaabot sa Senate Plenary ang panukalang 2024 National Budget

Economic managers ng administrasyon, tiniyak na resonable pa ang utang ng Pilipinas

Inusisa ng mga senador ang economic managers ng administrasyon tungkol sa lumalaking utang ng Pilipinas. Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa senado para sa panukalang 2024 National Budget, sinabi ni National Treasurer Rosalia de Leon na inaasaahang tataas pa sa P15.8 trillion ang utang ng Pilipinas sa susunod na taon. Nais malaman… Continue reading Economic managers ng administrasyon, tiniyak na resonable pa ang utang ng Pilipinas

Government savings, maaaring gamiting pampondo sa pensyon ng mga MUP

Inaaral ngayon ng Kamara ang pag-tap sa savings ng pamahalaan para mapondohan ang pensyon ng military at uniformed personnel (MUP). Ayon kay Appropriations Committee Chair Elizaldy Co bago pa, dumating ang pagtalakay sa 2024 national budget, ay hahanapan na nila ng pagkukunan ng pondo ang pension ng mga sundalo, pulis, at iba pang uniformed personnel.… Continue reading Government savings, maaaring gamiting pampondo sa pensyon ng mga MUP