Mga dating kalihim ng DOF, pinuri at pinsalamatan si DOF Sec. Recto

Binigyang pagkilala ni Finance Secretary Ralph Recto ang kanyang mga “predecessors” kasabay ng pagdirwang ng Kagawaran ng Pananalapi ng kanilang ika 127th anniversary. Sa isang pagtitipon ay dinaluhan nila House Speaker Martin Romualdez, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman; National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan; and Monetary Board Member… Continue reading Mga dating kalihim ng DOF, pinuri at pinsalamatan si DOF Sec. Recto

Bansang Sweden, nagpahayag ng kanilang interest na makipagtulungan sa Pilpinas sa sector ng transportasyon, enerhiya, imprastruktura at iba pa

Nagpahayag ng interes ang bansang Sweden na makipagtulungan sa Pilipinas sa sector ng transprtasyon, enerhiya, digitalization, pagmimina, healthcare at sa imprastruktura. Sa bilateral meeting nila Finance Secretary Ralph Recto at Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg tinalakay ng mga ito ang mga potenysal na hakbang para sa strategic investments. Binigyan pansin ni Sec. Recto… Continue reading Bansang Sweden, nagpahayag ng kanilang interest na makipagtulungan sa Pilpinas sa sector ng transportasyon, enerhiya, imprastruktura at iba pa

DOF, pabor sa pag-amyenda ng economic provision ng konstitusyon

Sinegundahan ng Department of Finance (DOF) ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ikonsidera ang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas ng bansa. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, sinabi ni finance Undersecretary Bayani Agabin na ito ay para mabuksan ang ilang pang sektor ng ekonomiya sa mga foreign investors.… Continue reading DOF, pabor sa pag-amyenda ng economic provision ng konstitusyon

Mas malalim na pagsaliksik sa epekto ng PIFITA bill, itinutulak ni Sen. Gatchalian

Nais ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng mas malalim pang pag-aaral tungkol sa magiging epekto ng panukalang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA). Hiniling ni Gatchalian sa Department of Finance (DOF) at National Economic Development Authority (NEDA) na detalyadong saliksikin ang magiging epekto ng PIFITA… Continue reading Mas malalim na pagsaliksik sa epekto ng PIFITA bill, itinutulak ni Sen. Gatchalian

DOF, pinuri ang SEC sa pagpapalawak ng capital market sa bansa

Pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa kanilang mahusay na trabaho na palawakin ang capital market ng bansa at gawin itong “broadbased” sa pamamagitan ng digitalization. Ginawa ni Diokno ang pahayag matapos paigtingin ng SEC ang kanilang capital market promotion upang makakuha ng pondo para sa mga maliliit na… Continue reading DOF, pinuri ang SEC sa pagpapalawak ng capital market sa bansa

DOF, aktibong isinusulong ang gender-responsive nature-based solution para maresolba ang climate finance gap

Pinagtibay ni Finance Secretary Benjamin Diokno na aktibong itinaguyod ng Department of Finance (DOF) ang paggamit ng gender-responsive nature-based solution upang masolusyunan ang climate finance gap. Sa isang high level panel discussion sa 2023 United Nations Climate Change Conference (COP28) sa Dubai sinabi ni Diokno na aktibo ang DOF sa pagsuporta para i-mainstream ang gender… Continue reading DOF, aktibong isinusulong ang gender-responsive nature-based solution para maresolba ang climate finance gap

Alok ng gobyerno na retail dollar bond, nakalikom ng $1.26 billion investments

Nakalikom ang pamahalaan ng tinatayang $1.26 billion mula sa kauna-unahang retail bond sa ilalim administrasyong Marcos Jr. Ayon sa Department of Finance (DOF), una nilang itinakda sa $1 billion ang iaalok na retail bond ngunit nadagdagan ng hanggang $1.26 billion. Sinabi ni Deputy Treasurer Erwin Sta. Ana, bagaman sa kasalukuyang sitwasyon ng merkado, maganda pa… Continue reading Alok ng gobyerno na retail dollar bond, nakalikom ng $1.26 billion investments

Panukalang pagpapataw ng excise tax ang mga single-use plastics, itinutulak na maisabatas ng DOF

Itinutulak ng Department of Finance (DOF) ang agarang pagsasabatas ng panukalang excise tax on single-use plastics. Layon ng hakbang na turuan na mabago ang pag-uugali ng mga Pinoy sa paggamit ng mga plastic at mabawasan ang polusyon tungo sa mas sustainable na alternatives. Ang Excise Tax on Single-use Plastics bill ay isa sa priority bills… Continue reading Panukalang pagpapataw ng excise tax ang mga single-use plastics, itinutulak na maisabatas ng DOF

Listahan ng mga kandidato para sa tatlong mga posisyon sa MIC, maaaring isumite na kay PBBM ngayong linggo – DOF

Posibleng maisumite na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggo ang listahan ng mga kandidato para sa tatlong matataas na posisyon ng Maharlika investment corporation (MIC) – ito ang para sa president and CEO ng MIC, regular directors at independent directors. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department… Continue reading Listahan ng mga kandidato para sa tatlong mga posisyon sa MIC, maaaring isumite na kay PBBM ngayong linggo – DOF

DOF, muling iginiit na walang “pension cuts” sa existing MUP retirees

Muling tiniyak ng Department of Finance (DOF) sa mga retiradong miyembro ng uniformed services na hindi sila apektado ng panukalang reporma sa pension reform na ngayon ay nakabinbin sa Kongreso. Sa panayam kay Finance Undersecretary Cielo Magno, isa sa pangunahing hangarin ng panukalang pension reform ng DOF ay upang mapanatili ang kasalukuyang lebel ng military… Continue reading DOF, muling iginiit na walang “pension cuts” sa existing MUP retirees