Resolusyon na naghahayag ng pakikiramay ng buong Kamara sa pagpanaw ni Cong. Salvame, pinagtibay ng kapulungan

Bilang pagkilala ng Kamara sa legasiya at buhay ni Palawan 1st district Rep. Edgardo Salvame ay pinagtibay ng kapulungan ang House Resolution 217. Nilalaman nito ang pakikiramay ng kapulungan sa naiwang pamilya ni Salvame gayundin ang pagtanaw sa mga ambag ng mambabatas bilang miyembro ng 19th Congress. Personal na iniabot ni Cagayan 1st district Representative… Continue reading Resolusyon na naghahayag ng pakikiramay ng buong Kamara sa pagpanaw ni Cong. Salvame, pinagtibay ng kapulungan

Kamara, nagluluksa sa pagpanaw ng kasamahang si Palawan Rep. Salvame

Nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Martin Romualdez sa pagpanaw ng kasamahan sa Kamara at kaibigan na si Palawan 1st Distrct Rep. Edgardo ‘Egay’ Salvame. Ayon kay Romualdez, hindi lang ito personal na kawalan para sa kaniya ngunit higit lalo sa komonidad. Aniya isang devoted na public servant ang namayapang Kongresista na itinulak ang ikabubuti… Continue reading Kamara, nagluluksa sa pagpanaw ng kasamahang si Palawan Rep. Salvame

House leaders, pinuri ang US$1-B investment deal na dala ng US trade mission

Welcome para sa House leaders ang nasa US$1 billion commitment na dala sa Pilipinas ng kauna-unahang US trade and investment mission. Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., ipinapakita nito ang pagiging magaling na ‘salesman’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panghihikayat ng mga mamumuhunan sa kaniyang mga naging biyahe. At mas bubuhos… Continue reading House leaders, pinuri ang US$1-B investment deal na dala ng US trade mission

RBH7, sasalang na sa plenaryo bukas

Sisimulan nang isalang sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o panukalang economic charter change bukas. Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., inaasahan nila na magiging maikli na lang ang talakayan nito matapos ang anim na araw na masinsinang interpelasyon… Continue reading RBH7, sasalang na sa plenaryo bukas

Committee of the Whole ng Kamara, tinapos na ang pagtalakay sa RBH7

Matapos ang anim na araw ng deliberasyon ay tuluyan nang inaprubahan ng Committee of the Whole House ang Resolution of Both Houses No. 7. Ang RBH 7 ay katulad ng RBH 6 na nakahain ngayon sa Senado na nagsusulong para sa pag-amyenda ng economic provisions ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng paglalagay ng katagang ‘unless… Continue reading Committee of the Whole ng Kamara, tinapos na ang pagtalakay sa RBH7

Panukalang amyenda sa probisyon ukol sa edukasyon, sunod nang tatalakayin ng Committee of the Whole House

Tuloy lang ang Kamara sa pagtalakay sa Resolution of Both Houses No. 7 o panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas. Ito ay kahit pa may pahayag na ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inaaral ngayong ang posibleng pagsasabay ng Charter change plebiscite sa 2025 mid-term elections. Noong nakaraang February 28, ay tinapos… Continue reading Panukalang amyenda sa probisyon ukol sa edukasyon, sunod nang tatalakayin ng Committee of the Whole House

Pagsuporta ni dating Pangulong Duterte sa economic charter change, welcome sa ilang kongresista

Welcome para sa mga kongresista ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa pag-amyenda ng Saligang Batas basta’t ito’y nakatuon lang sa economic provisions. Ayon kay Taguig-Pateros 2nd district Rep. Pammy Zamora, marahil ay nalinawan na ang dating pangulo sa tunay na layunin ng economic charter change. Aniya, simula pa lamang… Continue reading Pagsuporta ni dating Pangulong Duterte sa economic charter change, welcome sa ilang kongresista

House panel chair, tiniyak na pakikinggan ang lahat ng panig sa pagtalakay ng panukalang legislated wage hike

Tiniyak ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles, na ikokonsidera ng komite ang posisyon ng lahat ng stakeholders sa panukalang taas sweldo. Ayon sa mambabatas sisimulan nila ang pagtalakay sa tatlong panukala sa Miyerkules, February 28. Kabilang dito ang P150 recovery wage na panukalang batas ni Deputy Speaker Democrito Mendoza at P150… Continue reading House panel chair, tiniyak na pakikinggan ang lahat ng panig sa pagtalakay ng panukalang legislated wage hike

Kamara, masusing pag-aaralan ang panukalang P150-P350 taas-sahod

Pinag-aaralan ngayon ng liderato ng Kamara ang panukalang P150 hanggang P350 kada araw na umento sa sahod ng mga manggagawa. Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, kinikilala ng mga kongresista ang hamong kinakaharap ng mga manggagawa dahil sa taas presyo ng mga bilihin at paliit na halaga… Continue reading Kamara, masusing pag-aaralan ang panukalang P150-P350 taas-sahod

Kamara, 94.7 percent nang tapos sa LEDAC at SONA bills para sa pagkamit ng prosperity agenda ng Marcos Jr. Administration

Ibinida ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe na 94.7 percent nang tapos ng Kamara ang mga prayoridad na panukalang inilatag sa LEDAC at SONA para sa pagkamit ng prosperity agenda ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. Aniya, 54 sa 57 LEDAC bills ang aprubado na ng Mababang… Continue reading Kamara, 94.7 percent nang tapos sa LEDAC at SONA bills para sa pagkamit ng prosperity agenda ng Marcos Jr. Administration