Kamara, naglabas na rin ng subpoena kay Kingdom of Jesus Christ Executive Pastor Apollo Quiboloy

Naglabas na rin ang House of Representatives ng subpoena kay Kingdom of Jesus Christ executive Pastor Apollo Quiboloy. Sa kopya ng subpoena na inilabas ng Office of the Speaker, pinadadalo si Quiboloy sa susunod na pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa darating na Marso 12, ala-una ng hapon. Patungkol ito sa imbestigasyon sa… Continue reading Kamara, naglabas na rin ng subpoena kay Kingdom of Jesus Christ Executive Pastor Apollo Quiboloy

Sen. Alan Peter Cayetano, bukas na maging tagapamagitan ng Senado at Kamara

Bukas si Senador Alan Peter Cayetano na maging tagapag-ugnay ng Senado at Kamara sa gitna ng tensyon dahil sa usapin ng Charter Change at People’s Initiative. Ayon kay Cayetano, kailangan ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso tungkol sa isyu. Pinaliwanag ng senador na ang pangunahing dahilan kung bakit tahasan ang pagtanggi… Continue reading Sen. Alan Peter Cayetano, bukas na maging tagapamagitan ng Senado at Kamara

Sen. Gatchalian, nangangambang mauwi sa political crisis ang isyu ngayon sa pagitan ng Senado at Kamara

Aminado si Senador Sherwin Gatchalian na maaaring mauwi sa political crisis ang hindi pagkakasundo ng Senado at Kamara kaugnay ng proseso ng pagsusulong ng Charter Change. Ito ay kaugnay ng pagtutol ng mga Senador sa sinusulong ng People’s Initiative kung saan nakasaad na aamyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng constituent assembly pero magkasamang boboto… Continue reading Sen. Gatchalian, nangangambang mauwi sa political crisis ang isyu ngayon sa pagitan ng Senado at Kamara

Speaker Romualdez, positibong magiging bukas din ang iba pang senador sa planong economic chacha

Kumpiyansa si Speaker Martin Romualdez na susuportahan din ng iba pang mga senador ang itinutulak na economic charter change o chacha ng Kamara. Sa isang panayam sinabi ni Romualdez na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan matakot sa pag amyenda ng Saligang Batas, o kung bakit hindi ito ang tamang oras. Paalala ng House leader,… Continue reading Speaker Romualdez, positibong magiging bukas din ang iba pang senador sa planong economic chacha

Sen. Pimentel, bukas sa pagbabago ng Saligang Batas ng bansa basta’t limitado lang sa pederalismo

Bukas si Senate Minority leader Koko Pimentel sa ideya ng pag-amyenda ng Saligang Batas pero limitado lang aniya para sa adoption ng pederalismo. Gayunpaman, hindi naman pabor si Pimentel sa iba pang usaping pulitikal na aniya’y mababaw lang, gaya ng term limit. Tutol rin aniya ang minority leader kung ang plano ay amyendahan ang Saligang… Continue reading Sen. Pimentel, bukas sa pagbabago ng Saligang Batas ng bansa basta’t limitado lang sa pederalismo

Pagbili ng mga Chinese ng mga property gamit ang drug money, pinaiimbestigahan ng isang mambabatas

Pinasisilip ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers a intelligence at law enforcement agencies ang ulat ng umano’y “creeping invasion” o pagpasok ng mga Chinese sa bansa gamit ang drug money at pagbili ng property. Kasunod ito ng imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs hinggil sa pagkakakilanlan ng Filipino-Chinese businessman na si Willy… Continue reading Pagbili ng mga Chinese ng mga property gamit ang drug money, pinaiimbestigahan ng isang mambabatas

Lanao del Norte solon, pinaiimbestigahan sa Kamara ang naganap na pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi

Naghain ng resolusyon si Lanao del Norte 1st district Rep. Khalid Dimaporo para paimbestigahan ang nangyaring pagsabog sa Dimaporo Stadium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi. Sa kaniyang House Resolution 1508, inaatasan ang angkop na komite para magkasa ng investigation in aid of legislation kaugnay sa insidente ng pambobomba sa MSU. Ipinunto ni Dimaporo… Continue reading Lanao del Norte solon, pinaiimbestigahan sa Kamara ang naganap na pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi

‘Bagong Konstitusyon ng Bagong Pilipinas,’ itutulak ng Kamara sa susunod na taon

Target ng Kamara na masimulan ang pagtalakay sa amyenda sa Saligang Batas sa susunod na taon. Una nang sinabi ni Speaker Martin Romualdez sa ginanap na economic briefing sa Iloilo nitong Lunes na dahil tapos na halos ng Kamara ang LEDAC priority measures ay mas may oras na sila para talakayin ang charter change. Ngayong… Continue reading ‘Bagong Konstitusyon ng Bagong Pilipinas,’ itutulak ng Kamara sa susunod na taon

Egg industry, bukas sa suhestyon na ibenta ang itlog kada kilo

Hindi isinasantabi ng Philippine Egg Board Association ang suhestyon na ibenta ang itlog kada kilo. Sa ipinatawag na briefing ng House Committee on Agriculture ang Food patungkol sa presyo ng bigas at itlog, natanong si Philippine Egg Board Association President Francis Uyehara kung bukas ba sila na gawing kada kilo ang bentahan ng itlog. Aniya,… Continue reading Egg industry, bukas sa suhestyon na ibenta ang itlog kada kilo

Dating Mexico Pampanga Mayor, pansamantalang pinalaya ng Committee on Dangerous Drugs mula sa pagkakadetine

Bilang pakikiisa sa diwa ng kapaskuhan ay pansalamatalang pinalaya ng House Committee on Dangerous Drugs mula sa pagkakadetine si dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang. Matatandaan na na-cite in contempt si Tumang noong November 15 at pinatawan ng 30 araw na pagkakakulong dahil sa pagbabahagi ng ilang impormasyong napag-usapan sa executive session ng komite ukol… Continue reading Dating Mexico Pampanga Mayor, pansamantalang pinalaya ng Committee on Dangerous Drugs mula sa pagkakadetine