Pilipinas, natatanging bansa sa Asya na may constitutional restrictions sa foreign ownership, ayon sa isang dating finance chief

Binigyang diin ni dating Finance Secretary Margarito Teves na ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asian region na may constitutional restrictions tungkol sa foreign ownership. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments tungkol sa panukalang Economic Cha-cha, pinunto ni Teves na kinakailangan nang luwagan ng Pilipinas ang restrictive economic provisions ng ating… Continue reading Pilipinas, natatanging bansa sa Asya na may constitutional restrictions sa foreign ownership, ayon sa isang dating finance chief

Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative

Pinirmahan ng dalawampu’t apat na senador ang manifesto na nagpapahayag ng kanilang mariing pagkondena na isinusulong na Peoples Initiative na layong amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas. Sa sesyon ngayong hapon, binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang nilalaman ng naturang manifesto. Nakasaad dito ang pagrespeto at pagkilala ng mataas na kapulungan sa taumbayan… Continue reading Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative

House Majority leader, ikinalugod ang pagkakasundo ng Kamara at Senado sa pag-amyenda ng saligang batas

Welcome kay House Majority Leader Mannix Dalipe ang naging desisyon ng Senado na itulak na rin ng pag-amyenda ng saligang batas. Aniya malaking bagay na umayon na rin ang Senado sa matagal nang isinusulong ng Kamara na amyendahan ang konstitusyon. “In an extraordinary development for our nation, the Senate has finally seen the light, embracing… Continue reading House Majority leader, ikinalugod ang pagkakasundo ng Kamara at Senado sa pag-amyenda ng saligang batas

Sen. Tolentino, bukas sa pag amyenda ng economic provision ng Saligang Batas

Bukas din si Senador Francis Tolentino sa posibleng pag-amyenda sa Saligang Batas ng Pilipinas. Pero gaya ng ibang mga senador, pag-amyenda lang sa economic provision ng 1987 constitution ang nais na mangyari ni Tolentino. Sinabi rin ng senador na hindi siya pabor sa isandaang porsyentong pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga lupa dito sa Pilipinas.… Continue reading Sen. Tolentino, bukas sa pag amyenda ng economic provision ng Saligang Batas

Ilang senador, giniit na dapat ikonsidera ang timing para pag-amyenda sa Saligang Batas

Naniniwala si Senadora Imee Marcos na hindi pa napapanahon ang Charter Change o ang pag-amyenda sa Saligang Batas ng bansa. Pinunto ni Sen. Imee mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nagsabing hindi pa tamang panahon para pag-usapan ang Cha-Cha dahil nakatutok pa ang bansa sa pagresolba ng mga problema ng bansa gaya… Continue reading Ilang senador, giniit na dapat ikonsidera ang timing para pag-amyenda sa Saligang Batas

Sen. Pimentel, bukas sa pagbabago ng Saligang Batas ng bansa basta’t limitado lang sa pederalismo

Bukas si Senate Minority leader Koko Pimentel sa ideya ng pag-amyenda ng Saligang Batas pero limitado lang aniya para sa adoption ng pederalismo. Gayunpaman, hindi naman pabor si Pimentel sa iba pang usaping pulitikal na aniya’y mababaw lang, gaya ng term limit. Tutol rin aniya ang minority leader kung ang plano ay amyendahan ang Saligang… Continue reading Sen. Pimentel, bukas sa pagbabago ng Saligang Batas ng bansa basta’t limitado lang sa pederalismo