Bataan solon, nanawagan sa AFP na suportahan si PBBM sa pagtatangol nito sa mga teritoryo ng bansa

Nanawagan si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman sa Armed Forces of the Philippine na patuloy at pagibayuhin ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng pambubully ng China sa West Philippine Sea. Sa daily press briefing sa Kamara, sinabi ni Roman na malaki ang kanilang tiwala sa kasundaluhan at kanilang loyalty… Continue reading Bataan solon, nanawagan sa AFP na suportahan si PBBM sa pagtatangol nito sa mga teritoryo ng bansa

Proactive move ng liderato ng Kamara upang paghandaan ang La Niña Phenomenon at posibleng pagbaha sa bansa, pinuri ng isang mambabatas

Pinuri ni Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Jannette Garin ang proactive action ni House Speaker Martin Romualdez upang paghandaan ang La Niña Phenomenon at banta ng pagbaha sa bansa. Ginawa ni Garin ang pahayag kasunod ng naging high level dialogue ni Speaker Romualdez sa mga top officials ng gobyerno  na naglalayong pagibayuhin ang  kanilang… Continue reading Proactive move ng liderato ng Kamara upang paghandaan ang La Niña Phenomenon at posibleng pagbaha sa bansa, pinuri ng isang mambabatas

Dalawang panukalang magtatag ng infant-friendly facilities sa government agencies at establisyemento, lusot na sa House Panel

Inaprubahan ng House Committee on the Welfare of Children, ang consolidation ng tatlong panukalang batas ng magalagay ng infant-friendly facilities sa bansa. Ang substitute bill ay binubuo ng House Bills 9403  providing for baby changing facilities in restroom for all public establishments and government offices, HB 9678 providing for diaper-changing stations in all major establishments … Continue reading Dalawang panukalang magtatag ng infant-friendly facilities sa government agencies at establisyemento, lusot na sa House Panel

Bicolano solon, itinutulak ang pagpasa ng mahigpit na batas laban sa pagbebenta at paggawa ng pekeng gamot

Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan ang mas mahigpit na na batas laban sa mga pekeng gamot. Ginawa ni Rep. Yamsuan ang pahayag kasunod ng panawagan at pagsasanib pwersa ng  Intellectual Property Office of the Philippines (IPPHIL) at ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP)   na alisin ang mga pekeng gamot mula… Continue reading Bicolano solon, itinutulak ang pagpasa ng mahigpit na batas laban sa pagbebenta at paggawa ng pekeng gamot

Pahayag ni Pangulong Marcos Jr. tungkol sa pangunguna ng Senado sa economic chacha, pagtupad sa naunang napagkasunduan ayon sa mga senador

Ilan pang senador ang nagpahayag na malugod nilang tinatanggap ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa pangunguna ng Senado sa economic chacha. Sa isang paghayag, sinabi ni Sen. Grace Poe na ikinagalak niya ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan ni Pangulong Marcos na ang Senado ang mangunguna sa pagdinig ng amyenda sa… Continue reading Pahayag ni Pangulong Marcos Jr. tungkol sa pangunguna ng Senado sa economic chacha, pagtupad sa naunang napagkasunduan ayon sa mga senador

Kamara, sisimulan ang pagtalakay sa RBH7 ngayong Miyerkules bilang Committee of the Whole

Sisimulan na ng Kamara ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses No. 7 bukas, February 21, bilang committee of the whole. Sa mosyon ni Deputy Majority Leader Janette Garin, magko-constitute ang Mababang Kapulungan bilang Committee of the Whole ganap na ala-una ng hapon bukas para isalang sa deliberasyon ang RBH7 na bersyon ng Kamara ng… Continue reading Kamara, sisimulan ang pagtalakay sa RBH7 ngayong Miyerkules bilang Committee of the Whole

Register Anywhere Program, muling aarangkada sa Kamara

Magbabalik sa Kamara ang “Register Anywhere Program” (RAP) ng COMELEC para mailapit sa mga taga House of Representatives ang voters’ registration para sa 2025 mid-term elections. Batay sa anunsyo ng Kamara, aarangkada ang RAP sa HREP part 2 sa Batasang Pambansa sa February 29 sa Nograles Hall, at March 21 sa Belmonte Hall. Bukas ito… Continue reading Register Anywhere Program, muling aarangkada sa Kamara

Panawagang Mindanao secession, hindi makakatulong sa pag-unlad ng bansa

Kailangan ng isang nagkakaisang bansa para masiguro ang pag-unlad. Ito ang binigyang diin ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez sa gitna ng panawagang ihiwalay ang Mindanao mula sa buong Pilipinas. Punto ng mambabatas kung hahatiin ang bansa ay magugulo ang economic stability at maaapektuhan ang pag-asenso hindi lang ng Mindanao ngunit ng buong bansa. “If… Continue reading Panawagang Mindanao secession, hindi makakatulong sa pag-unlad ng bansa

House panel, pinapa-subpoena si Pastor Apollo Quiboloy

Nakatakdang maglabas ng subpoena ang House Committee on Legislative Franchises para kay Kingdom of Jesus Christ Exectuive Pastor Apollo Quiboloy. Sa pagdinig ng komite sa panukalang revocation ng prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na nag-operate sa ilalim ng business name na Sonshine Media Network International (SMNI), hiniling ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na… Continue reading House panel, pinapa-subpoena si Pastor Apollo Quiboloy

Buong suporta ng Kamara sa liderato ni Speaker Romualdez, pinagtibay

Photo courtesy of House of Representatives

Inaprubahan ng Kamara sa sesyon nito ngayong hapon ang House Resolution 1562. Inahahayag dito ang nagkakaisa at buong suporta ng mga miyembro ng Kapulungan ng Kinatawan sa liderato ni Speaker Martin Romualdez. Ito ay kaugnay pa rin sa mga walang basehang paratang at akusasyon laban sa lider ng Kamara dahil sa itinutulak na people’s initiative.… Continue reading Buong suporta ng Kamara sa liderato ni Speaker Romualdez, pinagtibay