House leader, umaasa na masisimulan na ang debate sa panukalang “charter improvement”

Nanawagan si Deputy Speaker at 1st District Rep. Tonypet T. Albano na bigyan ng pagkakataon ang Kongreso na simulan ang debate sa panukalang “improvement” ng Philippine Constitution. Sa isang press conference sinabi ni Albano na umaasa siyang masisimulan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang constituent assembly sa lalong madaling panahon. Importante aniya na malaman… Continue reading House leader, umaasa na masisimulan na ang debate sa panukalang “charter improvement”

Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative

Pinirmahan ng dalawampu’t apat na senador ang manifesto na nagpapahayag ng kanilang mariing pagkondena na isinusulong na Peoples Initiative na layong amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas. Sa sesyon ngayong hapon, binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang nilalaman ng naturang manifesto. Nakasaad dito ang pagrespeto at pagkilala ng mataas na kapulungan sa taumbayan… Continue reading Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative

COMELEC, nakatanggap na ng mga lagda mula sa Peoples Initiative para sa Charter Change

Nakatanggap na ng inisyal na kopya ng mga lagda ang Commission on Elections (COMELEC) para sa People’s Initiative (PI), pangangalap ng pirma para sa charter change. Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, sa ngayon ay hawak na nila ng signature forms para sa People’s Initiative mula sa 300 lugar sa buong bansa. Ang mga natanggap… Continue reading COMELEC, nakatanggap na ng mga lagda mula sa Peoples Initiative para sa Charter Change

Pagsulong ng Senado sa Cha-Cha, ‘big step forward’ ayon sa House tax chief; pero bersyon ng Senado, hindi kalakihan ang maiaambag sa ekonomiya

Malaking bagay na rin ang pagiging bukas ng Senado sa pag-amiyenda ng Saligang Batas. Ito ang tugon ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ng mahingan ng reaksyon kaugnay sa itinutulak na Resolution of Both Houses No. 6 ng Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Ayon Salceda, kung titignan ang records,… Continue reading Pagsulong ng Senado sa Cha-Cha, ‘big step forward’ ayon sa House tax chief; pero bersyon ng Senado, hindi kalakihan ang maiaambag sa ekonomiya

House Appropriations Committee Chair, umalma sa pahayag na dinagdagan ang pondo ng COMELEC para gamitin sa Cha-Cha

Umalma si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang P12 billion na dagdag sa budget ng COMELEC ngayong 2024 ay gagamitin para sa charter change. Ayon kay Co ang naturang halaga ay idinagdag ng Kongreso matapos hilingin ng poll body na maitaas ang kanilang pondo na tinapyasan… Continue reading House Appropriations Committee Chair, umalma sa pahayag na dinagdagan ang pondo ng COMELEC para gamitin sa Cha-Cha

Ilang senador, giniit na dapat ikonsidera ang timing para pag-amyenda sa Saligang Batas

Naniniwala si Senadora Imee Marcos na hindi pa napapanahon ang Charter Change o ang pag-amyenda sa Saligang Batas ng bansa. Pinunto ni Sen. Imee mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nagsabing hindi pa tamang panahon para pag-usapan ang Cha-Cha dahil nakatutok pa ang bansa sa pagresolba ng mga problema ng bansa gaya… Continue reading Ilang senador, giniit na dapat ikonsidera ang timing para pag-amyenda sa Saligang Batas