Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

Globe, naalarma sa paglobo ng kaso ng battery theft sa network facilities

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababahala ang nangungunang digital solutions platform Globe sa pagtaas ng kaso ng battery theft sa network facilities nito, kung saan 834 ang ninakaw sa first half ng taon.

Ayon sa Globe, mas mataas ito ng 2.4 beses kumpara sa 352 kaso na naitala sa buong 2022.

Sa hanay ng mga rehiyon, ang Mindanao ang nagtala ng pinakamaraming insidente na may 424, kasunod ang Visayas na may 363 at ang Greater Manila Area na may 47.

Ang mga baterya ay mahalaga bilang backup power sa panahon ng area-specific commercial power outages, partikular kapag may kalamidad. Kung wala ang mga ito, ang mga apektadong lugar ay nagiging mahina sa telco service interruptions.

Sa nakalipas lamang na dalawang buwan, iniulat ng Globe ang dalawang insidente ng battery theft sa Metro Manila na naganap ‘in broad daylight’: isa sa Malabon noong September 23 at isa sa Tondo noong October 20.

“Battery theft, especially those brazenly carried out during the day, are a stark reminder of the challenges we face. While we’re dedicated to ensuring 24/7 reliability, the increasing incidents of battery theft undermine our ability to maintain uninterrupted service, especially during power outages,” sabi ni Mike Honig, Globe Head of Network Field Maintenance for GMA.

Habang nakikipag-ugnayan ang Globe sa local authorities, hinihikayat nito ang local government units (LGUs) na magsagawa ng random inspections sa kanilang mga lugar dahil makikinabang din ang mga komunidad sa pangangalaga sa mga kagamitan ng telecom providers.

Binalaan din ng Globe ang publiko na ang pagbili ng mga nakaw na gamit o ari-arian ay may kaakibat na parusa.
Ang mga mahuhuling nakikipagsabwatan sa pagbili at pagbebenta ng mga ari-arian ay mahaharap din sa kaso.

Ang mga insidente ng battery theft ay maaaring iulat sa Globe Security Command sa 09176888545 o sa Philippine National Police via 24/7 helpline 16677 o sa pinakamalapit na police station.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us