Habang buhay na tulong mula sa Israel gov’t, ipinangako ng Israel ambassador to PH sa pamilyang naulila ng 4 na Pilipinong nasawi sa pag-atake ng Hamas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na makakatangap ng habang buhay na tulong pinansyal ang pamilya ng apat na Pinoy na nasawi sa giyera at pag-atake ng grupong Hamas.

P100,000 buwanang tulong pinansyal ang matatanggap ng nauililang pamilya nila Angelyn Aguirre, Loreta Alacre, Grace Cabrera, at Paul Castelvi.

Nakadepende naman ang halagang ibibigay sa status ng pamilya kung ang makakatangap ay magulang o asawa habang ikinokonsidera din ang bilang ng anak ng mga biktima.

Ayon kay Ambassador Fluss, itoy bilang kabayaran sa buhay ng mga Pilipinong nasawi sa gitna ng labanan kung saan ang ilan sa kanila ay pinili pa ring samahan ang kanilng mga amo sa huling sandali ng kanilang buhay. | ulat ni AJ Igancio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us