Matagumpay na nagtapos bilang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang halos 200 residente sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.
Matapos ang isinagawang assessment ng mga kawani mula sa Department of Social Welfare and Development (SSWD) ay nakitaan na ang mga ito ng pag-angat sa antas ng kanilang pamumuhay.
Karamihan na rin sa mga graduate sa programa ay wala ng mga menor de edad na anak na pinag-aaral pa.
Bukod sa mga benepisyaryo ay nagpasalamat rin ang Lokal na Pamahalaan sa nasabing programa ng Pamahalaan na nakakatulong sa bawat mahihirap na pilipino sa pagtaguyod ng kanilang pamilya.
Ginanap ang nasabing seremonya sa Arenas Civic Center na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa DSWD Provincial Office, at mga lokal na opisyal sa bayan ng Malasiqui. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan
📷 LGU Malasiqui