Halos 4 na milyong indibidwal, makikinabang sa inilaang protective services fund ng DBM sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang mas lalawak pa ang bilang ng mga indibidwal na matutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng mas malaking alokasyon na inilaan ng Department of Budget and Management sa protective services program ahensya para sa 2024.

Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, posibleng umabot sa halos apat na milyong individuals in crisis situation ang makikinabang sa naturang pondo.

“This allocation underlines a pivotal step towards ensuring that those in dire circumstances and crises can receive the necessary assistance from the national government through the DSWD,” Asst. Sec. Lopez.

Paliwanag nito, ang inaprubahang protective services funds ay partikular na ilalaan para sa paghahatid ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ang AICS ay isa sa mga frontline services ng DSWD na nagbibigay ng konprehensibong tulong sa mga lubos na nangangailangan kabilang ang cash assistance para sa food, transportation, medical services, at funeral costs. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us