Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental.
Ayon sa DSWD, aabot na sa higit ₱12.5-million ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid sa 73 apektadong barangays sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.
Kabilang rito ang family food packs at cash aid na naipamahagi na sa Sarangani, Glan, at General Santos City.
Samantala, as of November 20 ay umabot na sa higit 6,000 pamilya o katumbas ng 28,203 na indibidwal ang naitalang apektado ng lindol.
Umakyat na rin sa 191 ang bilang ng kabahayan na labis na napinsala habang 1,492 naman ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa