Mayroon nang inisyal na 86,662 pamilya o higit 342,000 na indibidwal ang naitalang apektado ng mga pag-ulan at pagbahang dulot mg LPA at Shear line sa ilang panig ng bansa, batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Bicol at Eastern Visayas Region.
Aabot na rin sa 3,463 pamilya o katumbas ng 13,749 na indibidwal ang pansamantalang inilikas sa 71 evacuation center habang nasa higit 8,000 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Una nang siniguro ng DSWD ang agarang tulong para sa mga apektado ng matinding pagulan
Mayroon na ring inisyal na P3.4-M halaga ng tulong ang naipaabot nito sa mga lalawigang apektado ng mga pagbaha. | ulat ni Merry Ann Bastasa