Higit 89,000 na mga guro, kulang pa sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 89,506 na mga guro pa ang kulang sa buong bansa base sa datos ng Department of Education (DepEd).

Sa Senate Plenary Budget Deliberations, ibinahagi ng sponsor ng panukalang 2024 Budget ng DepEd na si Senador Pia Cayetano na para matugunan ang kakulangan sa guro, plano ng ahensya na mag-empleyo ng 20,000 na guro para sa susunod na school year.

Para maisakatuparan ito ay mangangailangan ang DepEd ng ₱5.6-billion pesos sa ilalim ng kanilang basic education program.

Nitong school year 2023-2024, nasa 3,352 na mga guro ang na-empleyo ng DepEd mula sa target nilang 9,650.

Sa ngayon, sinabi ni Cayetano na ongoing pa ang hiring ng mga guro at kumpiyansa ang ahensya na makakamit nila ang target hanggang sa katapusan ng school year sa July 2024. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us