Higit 9,500 lugar sa bansa, nakikinabang sa Broadband ng Masa at free Wi-Fi For All program ng DICT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa 9,547 lugar sa bansa ang kasalukuyang nakikinabang sa Broadband ng Masa program at Free Wi-Fi for All, ayon sa ulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ito ay bilang pagtalima sa digitalization initiative na isa sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa ilalim ng ‘Broadband ng Masa’, nagbibigay ang DICT ng mas mabilis at mas mahusay na koneksiyon sa broadband habang libreng internet connectivity naman ang hatid nito sa Free Wi-Fi for All.

Kaugnay nito, sinabi ng DICT na aabot na rin sa 5,617 na mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas na hindi abot ng mga Internet Service Providers ang nabigyan nito ng digital access.

Tina-target naman ng ahensya na mag-activate ng 15,000 Broadband ng Masa/Free Wi-Fi sites bago matapos ang 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us