House contingent, handang aralin ang probisyon ng Senado na magbabawal sa paglipat ng contigent fund sa civilian agencies

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si House Committee on Appropriations Committee Chair Zaldy Co na aralin ang probisyon sa bersyon ng Senado sa 2024 General Appropriations Bill patungkol sa contingent fund.

Kasunod ito ng pagsalang ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon sa bicameral conference committee

Sa ipinasa kasing bersyon ng Senado, nakapaloob ang probisyon kung saan ipagbabawal na ang paglipat ng contingent fund sa civilian government.

Ayon kay Co, bahagi ito ng disagreeing provisions na kanilang paplantsahin sa bicam.

Ang tiyak aniya, ilalaban nila ang dagdag pondo para sa social services gaya ng ayuda at iba pang programa na lalaban sa inflation. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us