Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nagtalumpati sa joint session ng Kongreso kaninang umaga.
Sa pagtatapos ng session sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga nasambit ng punong ministro ay magpapalakas ng relation ng Pilipinas at Japan.
Anya, sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ipinaabot ng house leader ang pasasalamat sa bumibisitang punong ministro.
Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ng Japanese Prime Minister ang kahalagahan ng pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
Nangako rin ito na patuloy na susuportahan ang pag-unlad ng Pilipinas.
Si PM Kishida ang pang limang foreign leader na binigyang karangalan at pagakakataon na humarap sa special joint session. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes