Patuloy na nakatutok ang National Housing Authority sa pagbibigay ng pabahay lalo na sa mga mahihirap na pamilyang pilipino.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni NHA Corporate Planning Department Head Cromwell Teves na tinatarget ng ahensya na makapagtayo ng isang milyong pabahay sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Kabilang sa mga priority beneficiaries sa mga pabahay nito ang informal settler families, low income workers, mga nasalanta ng kalamidad, indigenous peoples, at mga nagbalik-loob sa gobyerno.
Sa kasalukuyan, sumampa na aniya sa 1.2 milyong housing units ang naipamahagi ng NHA sa bansa. Kaugnay nito, muli namang ipinunto ng NHA na mahalagang mapalawig ang mandato at charter ng kanilang ahensya.
Sa ngayon, may mga panukala na aniyang nakahain sa kamara at senado para sa NHA Charter at umaasa ang ahensya na agad itong maaaprubahan. | ulat ni Merry Ann Bastasa