Huling batch ng mga mag-o-oathtaking na bagong halal na Barangay officials sa Maynila isinasagawa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdatingan na ngayong araw sa Manila Barangay Bureau sa Arroceros sa Maynila ang huling batch ng barangay officials na nanalo sa katatapos lamang na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) para isagawa ang kanilang signing of oath of office.

Kabilang sa huling batch ay ang mga Barangay Kagawad mula sa District 3 at 4 ng lungsod. Isasagawa ang kanilang signing of office magmula kaninang ala-8 ng umaga hanggan 3:00 ng hapon ngayong araw.

Puno naman ng excitement at pasasalamat ang mga dumating na mga elected and re-elected Barangay officials para sa muling pagkakataon na makapagsilbi sa kanilang mga kabarangay.

Nauna nang nagsagawa ng oath taking ang iba pang distrito ng Maynila na nagsimula pa noong November 9 kung saan naunang nanumpa ang mga bagong halal na mga Punong Barangay ng lungsod. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us