“Huwag magtalaga ng mga kaanak bilang secretary at treasurer” — Sec. Abalos sa mga bagong halal na SK officials

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan officials na iwasan ang pagtatalaga ng mga kaanak bilang SK secretaries at treasurers.

Sa inilabas na DILG Memorandum Circular (MC) 2023-167, binigyang-diin ni Abalos na ang itatalagang bagong SK secretary at treasurer ay hindi dapat nasa second civil degree of consanguinity o affinity ng sinumang incumbent elected officials.

Bukod sa ipinagbawal na pag-appoint ng mga kaanak, dapat pumili ang SK Officials ng mga kwalipikadong secretary at treasurer sa loob ng 60 araw mula sa kanilang panunungkulan.

Dapat mayroon silang educational background na may kinalaman sa business administration, accountancy, finance, economics, o bookkeeping at dapat residente ng barangay.

Pinapayagan lamang ang SK Chairperson na isaalang-alang ang iba pang suitable nominees kung walang miyembro ang nakakatugon sa educational requirements.

Dagdag pa ng kalihim na ang appointed SK secretaries at treasurers ay kailangang sumailalim sa mandatory training program bago sila makapanungkulan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us