Iba’t ibang fishery inputs ang ipinamahagi kahapon ng Ministry of Fisheries, Agriculture and Agrarian Reform o MAFAR Sulu sa ilalim ng Fisheries Division nito.
Ayon kay Fardia Abduhasad, OIC Chief na nasabing dibisyon, mga seaweeds farming inputs, non-motorized banca at engine ang dumating sa tanggapan na bahagi ng 2022 GAB na nakalaan para sa kanila.
Ani Abduhasad, 10 engine na mayroon 16 horsepower ang kanilang ipapamahagi sa bayan ng Lugus. Ito aniya matapos makita ang pangangailangan ng mga mangingisda sa naturang bayan.
Aminado si Abduhasad na nakasanayan nilang ipinapamahagi sa 19 na bayan ng Sulu ang mga inputs na natatanggap, sa ngayon mas nakikita nilang malaki ang impact kung mabigyan prayoridad ang isang munisipiyo lalo na kung hindi naman kayang mabigyan ang lahat ng bayan tulad na lamang ng makina na 10 unit lamang ang dumating sa kanila.
Habang tig dalawang ata tatlong set ng seaweeds farm inputs ang matatanggap ng mga piling asosasyon at kooperatiba sa 19 na bayan sa lalawigan na nakalaan para sa bottomstake method at floating method.
Kasabay ani pa Abduhasad ng pagdating ng mga inputs ang inspectorate team ng MAFAR BARMM kaya agad din nila ito naipamahagi sa kanilang mga benepisyariyo. | ulat ni Eloiza Mohammad | RP1 Jolo