Ika-10 batch ng OFWs mula Israel, nakatakdang umuwi ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang umuwi ngayong araw ang may 36 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa nagpapatuloy na sigalot sa Israel.

Batay sa abiso ng Department of Migrant Workers (DMW), alas-6:20 mamayang gabi nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang mga naturang OFW sakay ng Philippine Arilines (PAL) flight 731 mula Tel-Aviv.

Kinabibilangan ito ng may 32 Pinoy caregivers at apat na hotel workers.

Ayon sa DMW, ito na ang ika-10 batch ng mga OFW na piniling umuwi sa bansa matapos maipit sa gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng militant rebel group na Hamas ng Palestine.

Tiniyak naman ng Kagawaran na matatanggap ng mga naturang OFWs ang tulong na ibibigay sa kanila ng pamahalaan bilang panimula ng panibagong buhay sa kanilang pagbabalik bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us