Ika-10 batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-6:14 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang Philippine Airlines Flight PR731.

Sakay nito ang 36 mga overseas Filipino worker (OFW) na lumikas sa Israel, dahil sa nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Sa bilang na ito 32 ang caregivers at apat ang hotel workers.

Nauna rito ay sinabi na ni Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, na inaasahang madaragdagan pa  ang mga uuwing OFW mula sa Israel dahil na rin sa nagpapatuloy na kaguluhan sa naturang bansa.

Sa ngayon, umabot na sa 335 ang kabuuang bilang ng mga OFW na napauwi sa bansa mula sa Israel sa pagdating ng ika-10 batch ngayong gabi. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us