Ika-9 na batch ng mga OFW na naipit sa gulo sa Israel, nakatakdang magbalik-bansa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ngayong araw ang may 42 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng militanteng Hamas ng Palestine.

Batay sa abiso ng Department of Migrant Workers (DMW), lulan ang mga ito ng Etihad Airways Flight EY424 at nakatakdang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ganap na alas-3:10 ng hapon.

Ayon sa DMW, kabibilangan ang mga uuwing OFW ngayong araw ng 30 hotel workers at 12 caregivers kasama ang limang anak ng mga ito.

Ito na ang ika-9 na batch ng mga OFW na piniling umuwi sa Pilipinas kasunod ng nagpapatuloy na tensyon sa Israel gayundin sa Gaza Strip.

Kagabi, umuwi naman sa Pilipinas ang walong OFWs mula Lebanon na siyang ikatlong batch ng mga Pilipino na naipit naman sa sigalot pa rin ng Israel at ng militanteng Hezbollah.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us