Ika-9 na batch ng OFWs mula sa Israel, dumating na sa bansa ngayong hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na sa bansa ang ika-9 na batch ng mga overseas Filipino worker (OFWs) mula sa bansang Israel ngayong hapon.

Sakay ito ng Etihad Airways Flight EY 424 at nakalapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-2:41 ng hapon.

Ang naturang batch ay kinabibilangan ng 42 indibidwal kasama ang 30 hotel workers, 12 caregivers, at limang bata.

Sinalubong sila ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni DMW OIC Undersecretary Hans Leo Cacdac, Department of Foreign Affairs, Department of Social Welfare and Development, Technical Education and Skills Development Authority, at iba pang national agencies na tutulong sa mga umuwing OFW. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us