Dumating na sa Pilipinas ang ika-walong batch ng mga overseas Filipino worker na lumikas mula Israel.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na gulo roon matapos na sumalakay ang militanteng grupong Hamas.
Ayon sa Department of Migrant Workers, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Etihad Airways flight EY 424 eksakto alas-3:00 ngayong hapon.
Sakay nito ang 32 mga OFW at isang sanggol, sa bilang na ito 24 ang caregivers at walo ang hotel workers.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng welcome program ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga OFW at ibinibigay na rin dito ang tulong pinansyal.
Sa pulong balitaan kanina ng DMW, sinabi ni DMW OIC Hans Leo Cacdac na magpapatuloy ang repatriation program ng pamahalaan dahil na rin sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel.
Sa ngayon, nasa 264 na mga OFW na mula sa Israel ang napuwi sa bansa ngayong dumating na ang ika-walong batch. | ulat ni Diane Lear