Nagsimula nang magkasa ng Oplan Baklas ang Caloocan local government sa mga campaign materials na nagamit sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections.
Pinangunahan ng mga kawani sa Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) ang pagbabaklas kasama ang mga tarpaulins at mga isinabit na campaign posters.
Una nang iniutos na Caloocan Mayor Along Malapitan ang paglilinis sa mga nagkalat na campaign materials sa nagdaang eleksyon.
Kasunod nito, nakiusap rin ang alkalde sa mga
kumandidato, sila man ay nanalo o hindi, na maging mabuting halimbawa sa paglilinis at baklasin na rin ang mga sariling poster.
Punto nito, ang pagiging mabuting lider at lingkod bayan ay nagsisimula sa pagiging mabuting ehemplo sa mga mamamayan. | ulat ni Merry Ann Bastasa