Ilang jeepney driver sa Philcoa, balik-pasada na rin ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na sa pamamasada ngayong araw ang ilang jeepney driver sa Philcoa na hindi bumiyahe kahapon dahil sa transport strike.

Ayon kay Mang George, pakikiramdaman niya ang sitwasyon sa kalsada ngayong ikalawang araw ng transport strike kung itutuloy na hanggang mamaya ang pasada o titigil.

Dagdag pa nito, marami na rin sa kanyang mga kasamahan ang bumiyahe na ngayong araw.

Si Mang Rey naman, sinabing hindi siya miyembro ng PISTON kaya itutuloy lang din ang pamamasada ngayong araw.

Kapansin-pansin na marami na ring pampasaherong jeepney ang bumibiyahe sa bahagi ng Philcoa kaya hindi naghihintay ng matagal ang mga pasahero bago makasakay.

Wala na ring nakapwesto ditong libreng sakay mula sa Quezon City para bigyang daan ang mga jeepney driver na bumibiyahe. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us