Ilang jeepney driver sa Philcoa, hinihintay pa ang abiso ng kanilang mga operator kaugnay ng transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa tiyak ng ilang jeepney driver na bumibiyahe sa Philcoa kung sila ba ay sasali o hindi sa nakaambang transport strike ng grupong PISTON simula sa Lunes, November 20.

Nakadepende kase aniya ito sa magiging desisyon ng kanilang mga operator.

Ayon kay Mang Jun, susunod ito kung sasabihan siyang huwag pumasada sa Lunes.

Sinabi naman ni Mang Joshua na papasada at pakikiramdaman niya muna ang sitwasyon sa Lunes ng umaga kung siya ay makakabiyahe ba o hindi.

Ayon naman kay Mang Nestor, ngayon pa lang ay susulitin na niya ang pamamasada dahil malaking epekto sa kanila kung mawawalan ng kita ng tatlong araw.

Una nang nagpulong ang mga opisyal ng LTFRB para paghandaan ang ikakasang transport strike ng PISTON. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us