Ilang LGUs sa Southern Metro Manila, nag-deploy ng libreng sakay kasabay ng transport strike

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-deploy ng libreng sakay ang ilang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Taguig at Muntinlupa kasabay ng transport strike ngayong araw ng Lunes, November 20, hanggang November 22, araw ng Miyerkules.

Ang libreng sakay routes sa lungsod ng Muntinlupa ay nagsimula kaninang alas-5:00 ng umaga hanggang mamayang hapon — sa Alabang Viaduct-Sucat, RMT Tunasan-Alabang, South Station-Buencamino, South Station-Sucat, at Biazon Road-Poblacion.

Sa lungsod naman ng Taguig, sa mga may kailangan o katanungan maaring tumawag sa kanilang Command Center sa (02) 8789 3200 o magpunta sa City Assistance Desk sa mga sumusunod na hubs/stations:

District 1:

  1. Bagumbayan- (Dulo)
  2. Cayetano Blvd. – (Global Gas Station)
  3. Sta. Ana – (Plaza)
  4. Napindan- (Police Station)

District 2:

  1. DOST- (Kanto)
  2. Tenement- (Caltex Station)
  3. Waterfun- (JODA Terminal)
  4. Diego Silang- (Petron)
  5. Gate 3- (Terminal)
  6. Market! Market! (Common Terminal)
  7. Arca South- (Common Terminal)

EMBOs:

  1. Pateros Bridge (J.P. Rizal)
  2. Uptown (BGC, Kalayaan)
    | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us