Good news para sa mga motorista dahil naglabas na ng pinal na presyo ang mga kumpanya ng langis para sa malawakang rollback sa mga produktong petrolyo bukas.
Simula bukas ng alas-6:00 ng umaga, ipatutupad ng mga kumpanyang Plipinas Shell, Sea Oil ang tapyas na P0.75 sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman sa kada litro ng kerosene habang P0.65 naman sa kada litro ng diesel.
Ang kumpanya naman ng Clean Fuel, ipatutupad ang kaparehong halaga mamayang alas-12:01 ng hatinggabi.
Ang oil price increase ay bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo nito sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio