Ilang pamilya, maagang bumisita sa Bagbag Cemetery ngayong All Soul’s Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming pamilya ang maagang nagtungo sa Bagbag Cemetery ngayong umaga ng All Soul’s Day.

Ilang minuto pa lang nang magbukas ang sementeryo ay umabot na sa higit 100 na ang naitalang dumalaw sa sementeryo.

Kabilang diyan ang mag-anak na Ate Amelia na nais raw na iwasan ang siksikan kaya minabuting agahan na ang pagbisita sa yumaong mahal sa buhay.

Si Nanay Mayet naman, sinabing kahapon dapat bibisita ngunit ipinagpaliban ito dahil sa maulang panahon.

Sa tala ng Bagbag Cemetery, umabot sa 51,000 ang bumisita sa sementeryo kahapon, November 1.

Inaasahan namang patuloy itong dadagsain ngayong All Soul’s Day.

Kaugnay nito, pinapayagan naman na ang pagpasok ng mga motorsiklo sa Parokya Road papasok ng sementeryo bagamat hindi pa rin pwedeng mag-park sa loob ng sementeryo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us