May babala Agriculture Sec. Francisco Tiu LAUREL Jr. sa mga importer ng bigas na hindi pa rin ipo-proseso ang pag-aangkat.
Sa briefing na ipinatawag ng House Committee on Agriculture and Food tungkol sa suplay ng bigas at iba pang agricultural products, natanong ang kalihim patungkol sa proseso ng importasyon ng bigas ng bansa.
Aniya, batay sa Bureau of Plant Industry (BPI) kung ilan ang pending application para sa bigas, lumalabas na katumbas ito ng 1 billion tons ng bigas.
Ito ay dahil sa maraming inisyu na permit dahil sa liberalized na ang pag-aangkat.
Ngunit nang tanungin kung kailan i-import ang mga ito ay wala namang makasagot sa mga importer.
Kaya naman sinabihan nito ang mga importer na kung hindi ipo-proseso ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng 30 araw ay kakanselahin na niya ang import permit ng mga ito.
Ayon naman sa datos ng DA bumaba ang rice imports ng bansa sa 2.8 million metric tons ngayong taon kumpara sa 3.8 million metric tons na inangkat noong 2022. | ulat ni Kathleen Jean Forbes