International Finance Cooperation, suportado ang pagpapabuti ng transport system ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta ang International Finance Corporation o IFC sa pagpapabuti ng transport system ng Pilipinas upang mas umunlad ang mobility at connectivity sa bansa.

Inilabas ang pahayag ng IFC sa nangyaring transaction advisory services contract signing ng Department of Transportation (DOTr) at Public-Private Partnership Center.

Ang IFC ay isa sa pinakamalaking global development institution na nakatuon sa mga pribadong sektor sa developing countries.

Ayon kay Country manager for the Philippines Jean-Mark Arbogast, sinabi nitong makapagbibigay ng mas maayos na serbisyo at oportunidad sa mga Pilipino sa pagkakaroon ng modernized na transport system.

Ikinatuwa rin ng IFC ang pakikipagtulungan nito sa DOTr para sa mga iba’t ibang proyekto gaya ng pagpapalakas ng Light Rail Transit Line 2 o LRT-2. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us