Investment mula sa US na pumapasok sa Pilipinas, nasa ‘upward trend’ — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang papataas na trend kung pag- uusapan ay puhunang pumapasok sa bansa mula sa Estados Unidos.

Sa FilCom event sa San Francisco Conference Center, sinabi ng Pangulo na tumaas ang investment noong 2022 na pumalo sa $6.2 billion.

Ang naitalang datos sabi ngChief Executive ay nasa 15.7% increase sa 2022 mula 2021.

Samantala, tinawag namang important trade and investment partner ng Pilipinas ang California ni Pangulong Marcos.

Kaya sa sidelines aniya ng APEC meetings, sinabi ng Pangulo na magiging abala ang kanyang delegasyon sa mga business meeting sa San Francisco para sa kailangang beneficial exchanges at partnerships. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us