IRR ng Maharlika Fund, isang makasaysayang progreso sa financial landscape ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries chairperson ang pinal na implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Manila 5th District Representative Irwin Tieng ang mas pinagandang probisyon ng IRR na magbibigay kalayaan sa pangangasiwa ng Maharlika Investment Corporation (MIC) Board of Directors, ay isang mahalagang pagbabago sa Philippine financial landscape.

“We are delighted to witness the culmination of efforts to fortify the MIC through enacting comprehensive and empowering rules. The strengthened independence of the Board of Directors is fundamental in ensuring prudent and effective decision-making, safeguarding the corporation’s integrity and promoting financial stability,” pahayag ng mambabatas.

Ayon pa kay Tieng, ang bagong IRR ay isang mahalagang hakbang para maisulong ang pagkakaroon ng transparency, accountability, at maayos na pagdedesisyon sa kabuuan ng pamamahala ng Maharlika Investment Fund.

“This move aligns with the ongoing commitment to foster a resilient and progressive financial environment, reinforcing trust and confidence among stakeholders and investors,” punto ni Tieng.

Kumpiyansa ang mambabatas sa positibong epekto ng naturang regulasyon sa pagpapaunlad ng financial landscape, pag-unald ng ekonomiya at paghikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.

Magkagayunman, ipinaalala ni Tieng na kailangan ang patuloy na pagbabantay at adaptability o kakayanan na makasabay sa mga pagbabago sa usaping pinansyal. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us