Isang lalaki, umakyat sa poste ng Meralco sa Barangay Calumpang, Marikina City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos pitong oras na at hindi pa rin bumababa itong isang lalaki na umakyat sa poste ng Meralco ang isang lalaki dito sa Pambuli Street corner Old J.P Rizal Street sa Barangay Calumpang sa Marikina City.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marikina City Chief of Police Col. Earl Castillo, sinabi nito isang palaboy itong lalaki at alledgely kaninang umaga ay sa LRT-2 sa Santolan Station ito natutulog ang noong pinaalis ay pumunta rito.

Bandang alas-11:10 ng umaga nang naiulat sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente kung saan una munang umakyat sa maliit na katabing poste itong lalaki saka tumawid sa mga linya ng kuryente papunta dito sa mas mataas na poste na may taas na 105 feet kung saan siya narito simula pa kaninang umaga hanggang sa ngayon.

Rumesponde na rito ang Marikita City Rescue 161, Bureau of Fire Protection, Meralco, at Marikina City PNP.

Sa ngayon, patuloy na kinukumbinsi ng mga tauhan ng BFP ang lalaki na bumaba pati na rin ang kaibigan nito na nasa basket truck ng Meralco.

Brownout ngayong dito sa naturang barangay at perwisyo ang dala para sa mga residente.

Naghihintay ng tsempo ang mga rescue team para pwersahan nang makuha itong lalaki.

Sa ngayon, nagkakaroon din ng pagsisikip ng daloy ng sasakyan dito sa bahagi ng Marcos Highway sa may Old JP Rizal Street dahil sa sinarado ito sa mga motorista at kinordonan na nga itong lugar kung nasaan ang poste.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us