Issue sa South China Sea at trade cooperation, kabilang sa mga agenda sa 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kabilang sa mga pangunahing mapag-uusapan sa gagawing 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) ang usapin sa South China Sea, trade cooperation sa pagitan ng mga bansa, at iba pang socio-economic issues.

Ayon kay Zubiri, ilan sa mga bansang kasapi ng APPF gaya ng Indonesia ay naghain na ng draft resolution para sa pagkakaroon ng kapayapaan at stability sa South China Sea, kung saan bahagi nito ang West Philippine Sea (WPS).

Gayunpaman, nilinaw ng senate president na titiyakin nilang magiging diplomatiko ang paraan ng pagtalakay sa usapin sa South China Sea bagamat mainit itong isyu para sa maraming bansa sa asya, kabilang na ang Pilipinas.

Kabilang kasi sa member countries ng APPF ang China kaya naman bilang host country, sinabi ni Zubiri na ayaw nilang magkagulo lalo’t peace and stability ang pangunahing tema ng conference.

Sa kabila nito, binigyang diin ng senate president na hindi nagbabago ang paninindigan ng Pilipinas sa isyu ng WPS.

“We have to tone down the rhetoric, we have to tone it down. Kasi tayo yung host, it’s an international forum so kailangan dito walang bastusan. Kailangan dito, very diplomatic and i-moderate natin yung ating hinanaing sa ating mga kapitbahay dito sa asya…The position of the Philippines will always be the same. As the President said, we will not cede one inch of Philippine territory to anyone. At the same time, we are also a friend to all and enemy to none. So we just have to make sure na for this forum na hindi naman magkakaron ng bakbakan,”

Magsisimula ngayong araw at magtatagal hanggang Sabado ang 31st APPF na inaasahang dadaluhan ng mga delegado mula sa 18 bansa kabilang ang Australia, Brunei Darussalam, Cambodia, Canada, Chile, China, Indonesia, Japan, Korea, Lao PDR, Malaysia, Mexico, Micronesia, Papua New Guinea, Peru, Russian Federation, Thailand, at Vietnam. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us