Isyu ng problema sa tubig sa San Jose Del Monte City, iimbestigahan na ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiimbestigahan na ng lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte City ang problema sa suplay at kalidad ng tubig.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Mayor Arthur Robes na nakipagpulong na siya sa mga kinatawan ng maralitang San Josenyo upang pag-usapan ang mga paraan para matugunan ang problema sa tubig ng mga residente.

Sisilipin daw ng alkalde ang pawala-walang suplay ng tubig, ang mahinang kalidad nito at mataas na singil sa tubig.

Makikipag-ugnayan daw ng lubos ang LGU sa PRIME Water Concessionaire para mapabuti ang serbisyo sa mga residente.

Kabilang sa mga lugar na walang matinong suplay ng tubig ang bahagi ng Harmony Hills Subdivision at kalapit lugar nito sa barangay Muzon ng lungsod.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us