Binigyan diin ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang commitment ng Japan na isulong at depensahan ang freedom at rule of law.
Sa kanyang mensahe sa harap ng Special Joint Session, sinabi nito na sa gitna ng pagharap ng international community sa iba ibang hamon, mahalagang pangalagaan ang “human dignity”.
Determinado ang prime minister na depensahan ang Open-Indo-Pacific (FOIP) upang pangunahan ang mga international community para sackooperasyon tungo sa kalayaan at “rule of law”.
Kabilang dito ang principles for “peace and rules for prosperity” gaya ng Mindanao region.
Aniya, patuloy nilang sinusuportahan ng peace process at economic development sa Mindanao.
Sa katunayan ayon sa Punong Ministro sa kanilang pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. magkakaloob ang Japan ng probisyon ng heavy equipment for disaster management sa Mindanao Region.
Dagdag pa nito na nagkasundo sila ni Pangulong Marcos Jr. noong bumisita ito sa Japan na magtutulungan ang dalawang bansa upang palakasin ang Free and Open International Order base sa rule of law. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes